Kayo talagang mga nasa 3/f ng isang building sa bandang dulo ng ayala ave, ke aga aga, on a weekday, wala nang piniling lugar, oras, at crowd. Anu nalang ang sasabihin ng ibang gumagamit ng banyo pagpasok. Buti kung iiling nalang sila (o magbablog tulad ko) matapos masaksihan ang inyong mating rituals kanina.
But then, to each his own. Good thing toilets are mostly not "co-ed" or else things would be a lot more "interesting."
Tayo talagang mga nagpapadala sa mga run for a cause fad. Oo nasama sa Guinness Book of World Records at oo may pondo na naman para sa ating ilog at sa isa pang mabuting proyekto, pero hangang kailan ito tatagal at gano kalaki ang impact sa improvement ng condition ng ilog. Reminds me of former first lady Ming Ramos' project. Hangggat di naisasaisip at naisasapuso, mula sa pinaka bata hanggang sa pinaka matanda, ang genuine concern sa kapaligiran, ang impact mga ganitong proyekto ay di magtatagal. Hanggat may mga industrial activity sa paligid ng ilog na di maayos mag dispose ng waste, hanggat may mga taong nakatira sa paligid ng ilog na nagtatapon ng basura dito, di rin masyadong magtatagal ang mabuting idudulot ng mga ganitong fun run. Talk about sustainable development. Talk about awareness.
Sabagay, mabuti na ang may ganito kaysa wala. Sana lang yung mga sumali, pag wala ng fun run, pag naglalakad e di tinatapon ang yosi kung saan saan at tinuturuan ang mga anak na wag basta magtapon ng kalat sa paligid.
Kayo talagang mga kaibigan ko, nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Alam ko minsan, okay, lagi akong missing in action. Pero alam niyo naman kung bakit at dun palang nagpapasalamat na ako kasi naiintindihan niyo. At pag ako nangailangan ng company, andyan kayo agad if time permits. Lubos akong nagpapasalamat at naging magkakaibigan tayo. I'd do my best para makabawi ako kahit pano. I'd share more of my time with you guys moving forward. :)
Cheers!