Friday, November 14, 2008

Why it's great to have a drink with bosses?

Im going to start this post with the Language I love the most: Tagalog, a.k.a. Filipino
My 2nd language will come next. Oh no. Make that 3rd. Ifugao is my 2nd. I think.

Masarap makipag inuman sa supervisor at sa manager ng kayong 3 lang kasi madaming nalalaman: Bakit nga ba ganito ang mga nangyayari sa opisina, bakit ganito ang pamamalakad, bakit ganito ang trato sa mga indibidwal na kasama sa trabaho at marami pang iba.

(Hindi pa sana halata na nakainom ako habang tynatype ito. [shyet. Nakakailang backspace na nga ba ako? E 2nd paragraph palang ito.])

Siguro hindi naman lahat e kasing swerte ko para makainuman ang manager niya at ang supervisor niya… yung tipong kayong 3 lang… yung tipong parang nakaraang Martes lang e kayo ng supervisor mo naman ang magkainuman. Sabagay. Mapagkakatiwalaan naman ako. At kahit eto ako ngayong nakainom at nagbablog at nagtatype ng pahirapan e hindi parin isheshare sa buong mundo ang mga bagay bagay na napgusapan. Puputulin ko muna ang hinlalaki ko sa kanang kamay bago ko isiwalat ang mga bagay-bagay nang walang pahintulot ng (Shyet muntik ko na maipost ang number dito) tao.

Tangina talaga. Kung alam lang ng buong kumpanya kung gaano kalaki ang naiaambag ng supervisor ko at ng manager namin sa pandaigdigang kumpanyang ito. Kung alam lang nilang lahat! Hindi makakatayo ng maayos ang kumpanyang to ng ilang taon kung di lang sa kanilang 2! Lalong lalo na sa supervisor ko. At eto kayo na walang ginawa kundi ang sirain sila. Oo. Kayong mga gustong sumira sa supervisor ko, alam kong may mga gusto kayong protektahan at pangalagaan sa kumpanya. Naiintindihan ko iyon. Wala naman siguro kayong ninaiis, higit sa lahat, kundi ang ikakabubuti ng kumpanya. Dahil sino din naman ang makikinabang kundi tayong lahat. Pero naman. Ilang taon na kayong magkakasama. Pakiusap naman. Umayos kayo. Tayo tayo na nga ang andito e. Wala naman gustong humila pababa ng kumpanya kaya sana wag naman tayo magkalat ng ikasasama ng loob ng isa’t isa. Lalo na ng mga kapwa nating may malakas na boses sa kumpanya. Dahil sabihin man nating propesyonal tayo, sa huli e malakas parin ang nagagawa ng damdamin para sa isa’t-isa.

Sa madaling salita: kung ikaw ay nasa isang kumpanya kung saan ang mga tao ay magkakakakilala, magakakasama, at nagkakahalubilo na ng medyo matagal, mas mabuti na ang harapin niyo ang mga isyu na parang lahat kayo ay edukado at marunong makipagkapwa tao. Hindi yung… alam mo na. Nakakababang tignan kung kumilos. Pwe.

Para sa isang taong tulad ko na magaling magobserba ng mga tao, nakakatuwa/tawa/lungkot obserbahan ang mga nangyayari. Yung tipong maiisip mo: "anu ba. Highschool?! Parang hindi tamanda a! E napagdaanan ko na yan ilang taon na ang nakalipas a. Bakit tong mga to e naiwan ata sa pagkabata?!" Immature kung baga.

Sabagay. Hindi naman nasusukat sa edad ang pagtanda. [Wala sigurong saktong katumbas na salita sa Pilipino ang maturity kaya pagtanda ang ginamit ko.]

It’s all a mater of maturity.

(At dito nagtatapos ang kwento tungkol sa ibang tao. Balik sa sarili ko naman)

Tulad ko, kahit medyo nakaramdam ng sama ng loob sa ilang "nakilala," yung tipong hindi mo man pinakita masyado na nagke-care ka e nakaramdam ng ng onting kurot nung sobrang nagiba na ang trato sayo, e hindi mo parin magawang patulan ang pagkamusmos ng pagiisip ng ibang tao.

Tulad ng palaka at ng alakdan. Noong tinulungan ang palaka ang alakdan mula sa pagkakalunod e nilason parin ng alakdan ang palaka. Bakit? Kasi nasanature ng alakdan ang manlason.

Parang tao. Nasa nature ng indibidwal na tao yan e.

Wala kasi sa nature ko ang maging mapaghiganti. Kaya…

Kahit alam mo na halos buong history ng buhay ng isang tao, kung bakit siguro ganun siya sa mundo at sa ibang tao na akala niya ay nakakababa sa kanya, kung alam mo din ang pangalan ng mga mahal niya sa buhay, kung sino malamang ang pinaka ayaw niyang miyembro ng pamilya niya, at marami pang iba na naibahagi ng pinakamamahal niyang kakilala, at dahil napaka galing mong magdeduce, mga impormasyon na kung sa ibang tao mapupunta e tiyak na magagamit para lang gawan ng hindi maganda ang (mga?) taong iyon, hindi mo parin magagawang sirain ang taong (di) nabangit DAHIL wala sa nature mo ang manira at maghiganti(?). Sa kabila ng lahat, hinayaan mo nalang matuwa siya sa sarili niyang kahunghangan. Bakit? Sabi nga nila sa ingles: because you know better. At sa huli mahihiya ka nalang sa sarili mo kung papatol ka pa at magpapakababa para lang maramdaman na nakaganti ka.

(eto na naman ako at nagpapakavague para lang protektahan ang MGA taong hindi justified ang ginawang trato sa akin. Hindi dahil sa takot na gantihan ka dahil kahit papaano ay noog mga panahong hawak niyo pa ang tiwala ng isa’t isa at may ilan ka ding naibahagi na maaring gamitin laban sa iyo ngayon, kundi dahil wala sa nature mo ang maging ganon. Sabagay sa huling bahagi ng pakikipagtalastasan sa (mga?) (di) nabangit na tao ay nakahingi naman ako ng dispensa sa hindi ko mabuting inasal pero sa huli alam mo parin na kahit sa normal na sitwasyon ay masasabing hindi ako ang naging out of proportion ang naging reaksiyon sa mga bagay na di pinagkauanawaan.)

Vague. Vague. Vague.

Effort pala ang mag blog ng sapilitang diretsong tagalog. Shyet. May araw na. Pasado 6:20 na sa relo ko at wala pa akong tulog. Tsaka nalang ako magtatransalate sa ingles ng mga nabangit.

Sarap pala mag blog ng halos wala kang hino-hold back lalo na at kakagaling lang sa munting inuman. Pucha. Kung masasabi mo lang ang mga bagay bagay tulad ng billboard ng *BLEEP*, pangalan ng hotel sa *BLEEP*, probinsya sa Visayas, pangalan ng beast of burden, yung tipong the kind of secret so juicy you just cant keep to yourself… But then it’s not in my nature. At the end of the day, the bastards can be rest assured that their secrets’ are safe with me because it’s not in my nature to divulge their blahs. Parang sa Legally Blonde: It’s not my alibi to tell. :)

Pero sa lahat ng ito, nagpapasalamat ako sa Diyos at napagdaanan o pinagdadaanan ko din, pulitika man sa opisina o di pagakakunawaan sa pagitan ng mga ko-bloggers, chatmates, kaklase, kaibigan, acquaintance, digital acquaintance, dahil kahit papaano ay masasabi kong ang mga ito’y nakakatulong sa patuloy kong pagunlad bilang tao.

Siguro ang masaklap lang ay bakit kailanganing makahalubilo ang mga ganitong uri ng tao…. Haaaay… para lang maging mas malawak ang panguunawa???

God, these people you let me meet, in real life or otherwise, who still affects my life no matter how great or minute, I hope they are part of Your plan to make me better.
Parang yung linya lang ni Og Mandino na: Everyday in every way, I’m getting better and better.

And so another somewhat not so cohesive post had been born… out of alcohol and angst towards people whom I thought should be more mature than I should be. Shyet sarap. Ilang taon na ako at nakakramdam parin ako ng angst. Trully, Yourkidatheart.

God, why do you make it so hard for me to meet someone like me. No! Not someone IDENTICAL but at least someone who belongs in my level, my caliber.

Andyan yung ka-edad ko at ka-level ko intellectually pero hindi emotionally. Yung tipong nada EQ. Andyan yung mas matanda sa akin at kalevel ko emotionally pero yun a nga, mas matanda sakin at hindi namam makarelate sa mga gusto ko sa edad kong ito. Ilang bilyon din kaming tao dito sa Earth, there must be someone out there who could satisfy me. :)

Sana lang maitranslate ko ito sa ingles. Hahahahah!

Live! Love life. :)

Wednesday, November 05, 2008

Barack Obama, the first African-American US President

I turned on the TV and then I heard the cheers before I realized what people were cheering about.

(And oh yeah, I retract what I sent via text (brigade) message: Obama's not Muslim. His father is. Not that that matters, really.)

Some mixed reactions from people I texted when I spread the news:

"Talaga? Nagbotohan na?"

"Talaga? Salamat sa balita."

"Celebrate!"

"Is this true?"

"I know right"

So how will this affect:

those in Kenya?

How about those in South Africa?

The starving children in the Afican continent? (Where is the biggest diamond mine again?)

Let me hear... Indonesia? China? Japan? North and South Korea? Russia?

The E.U.?

Slovenia? (joke)

the neighbor/relative who's applying for a US visa? (Hahahahaha!)

Middle East Asia? (Let me hear Israel)

How about Darfur? Oh yeah that's in Africa also.

The BPO industry? (Think call centers here in the Philippines and in India)

Anyways! Four states havent declared who won in their state yet, as per CNN a few minutes ago.

Those news channels havent got more audience since Pope John Paul II's demise and Pope Benedict XVI's election, right? (Oh yeah. There was the supposed US recession.)

There's going to be a wave of blue in the Washington by January next year.

Wow... the dynamics of politics...

Im wearing blue on my way to work now.

^_^

At the end of the day... whatever happens somewhere, whatever someone says... will ultimately affect someone else somewhere else.